CHAPTER 11
Natapos ang lunch ng ganon. Puno ng tawanan, kulitan at kwentuhan na rin. Mas naging close ang friends ko pati friends ni Sungyeol dahil dun. Nag-uusap naman kasi talaga sila dati pero iba ngayon. Mukhang magkakasundo na ee.
Ako naman eto, natatawa rin naman dahil sa mga kakulitan ng mga to. Minsan nga lang, bigla-biglang napapawi sa tuwing malilingon ako sa direksyon nila Lay at Seohyun.
Hayy, kailan kaya mawawala tong nararamdaman ko para sa kanya? Ang hirap na kasi ee. Ang sakit dibdib. Parang ang hirap huminga.
Maiba ko, nag-wish ako nung birthday ko di ba? Alam niyo ba kung ano? Siguro iniisip niyo na ang hiniling ko ay sana mapansin at magustuhan na ko ni Lay noh? Well actually hindi. Ang wish ko sana dumating na yung taong makapagpapasaya saken. Well sa ngayon, hahayaan ko muna tong nararamdaman ko towards Lay at hihintayin ko na lang din na mawala to ng paunti-unti.
After ng celebration sa canteen, balik na ulit ako sa klase with my bestfriend Jiyeon. Ang tamlay ko ngayong araw pero di ko na kang pinahalata. Ewan ko pero parang feeling ko may hindi magandang mangyayari ngayon. Hayy, wag naman sana.
Ang bilis din ng oras kasi natapos agad yung klase. Uwian na, sa wakas! Uwing-uwi na ko na hindi ko malamn kung bakit. Si Jiyeon naman sumama na kay Myungsoo. Sanay na rin naman ako sa dalawang yun. Mahirap talaga silang paghiwalayin.
So, eto na ko ngayon. Naglalakad na ko pauwi. Mejo dumidilim na rin pala. Sa kalagitnaan ng paglalakad ko, bigla kong nakita si Lay. Automatic na napangiti ako. Ganyan naman ako lagi sa tuwing makikita ko yan ee.
Tatawagin ko na sana siya kaya lang napansin kong ang layo ng tingin niya at parang mejo nagtatago. Unti-unti kong sinundan yung tinitingnan niya. I silently gasped nang makita ko kung ano tinitingnan niya.
Si ano.. Si.. Si Seohyun.. at.. Hoya naghahalikan?! Oo, kitang-kita ng dalawa kong mata. They're kissing each other's lips.
Bigla akong nagtago. Ayoko naman may makakita saken lalo na si Lay. Ayokomg malaman niyang nakikita ko ang nakikita niya. Sumilip ako ng bahagya, nakita kong tuloy parin ang dalawa sa gingawa nila habang si Lay nakatingin pa rin. Ramdam ang sakit na nararamdaman niya. Kita naman sa mukha niya ee. Ang di ko lang maintindihan, bakit di siya gumagawa ng aksyon? Bakit nakatayo lang siya jan na parang wala lang, na parang hindi nakikipaghalikan sa iba ang girlfriend niya.
Maya-maya bigla kong nakitang palingon si Lay. Buti na lang maagap ako at nakapagtago ulit. Naramdaman kong nagsimula na siyang maglakad. Mejo tumalikod ako. Ilang sandali lang, humina na yung mga yapak ng paa na naririnig ko. Dahan-dahan akong humarap. Kaya mejo malayo na, kita ko parin ang likod ni Lay habang naglalakad palayo.
I watched his back ng malungkot. Bakit Lay? Bakit wala kang ginawa? May karapatan kang sugurin sila pero bakit wala kang ginawa? Ganyan ka ba kahina?
Nilingon ko ulit ang direksyon nila Seohyun at Hoya. Hindi pa rin sila tapos. Mukhang enjoy na enjoy pa nga ee. Bwiset tong babaeng to, nagawa pang pagtaksilan ang napakagwapo niyang boyfriend! Aish!
Dahil sa inis ko, binato ko nga ng bato. Di ko na nakota reaksyon nila kasi kumaripas na ko ng takbo pauwi. Nang maramdaman kong malayo na ko sa kanila, huminto na ko sa pagtakbo at naglakad na ulit.
Pero di pa rin mawala sa isip ko yung nakita ko. Lalo akong naasar sa twing maaalala kong si Seohyun pa ang nagtaksil. Akala ko pa naman ang bait non. Boto pa naman ako sa kanilang dalawa ni Lay. Naalala ko tuloy bigla si Lay. Yung expression ng mukha niya, di mawala sa isip ko. Yung lungkot na nararamdaman niya, parang ramdam ko rin. Hayy..
Nang makarating na ko sa tapat ng bahay, dumeretso na ko sa loob. Nadatnan ko namang nakaupo sa sofa si Sungyeol habang nanonood ng TV. Naisipan kong umupo sa tabi niya. Ayoko pa munang magbihis. Wala akong gana.
"Magbihis ka na. Ang baho ng amoy mo." sabi ng bwiset kong kambal.
Di ako sumagot. Pagod na ko noh! Nakatitig lang ako sa TV pero wala akong naiintindihan. Lutang pa utak ko dahil sa mga nasaksihan ko kanina.
"Hoy, sabi ko magbihis ka na. Nangangamoy ka na oh." sabi niya ulit.
"Kuya.." tinawag ko siya. I totally ignored what he said.
"Wow! Ano nangyari sa'yo at tinawag mo kong kuya ha?"
"Na in love ka na ba?" I asked.
Natigilan naman siya dun. Lumingon ako sa kanya. "Naranasan mo na bang manghina hindi dahil may sakit ka kundi dahil sa isang taong kaya kang palambutin everytime you see that special person?"
"Ano ba nangyayari sa'yo? Naka-drugs ka ba?" tanong niya.
Natawa ko, "I know my questions are weird pero gusto ko lang malaman ang isasagot mo. Isang sagot galing sa kapatid ko."
Mukhang natigilan na naman siya. Walang reaksyon e.
"Honestly, na in love na ko. I'm actually in love right now." rinig kong sabi niya.
Di ko magawang magulat. Ewan ko, pero wala na kong energy para magreact ng malupet. I just smiled, "How about that person, is she in love with you too?"
Di siya sumagot. Ayoko rin marinig. Mukhang alam ko na yung sagot. Alam ko namang may girlfriend siya. Yung tumawag nung birthday namin, alam kong girlfriend niya yun. Di ko pa soya nakikita at di ko rin to nalaman kung kanino. Naramdaman ko lang. Ewan ko, ganyan ata pagkambal kayo ee.
"Inom tayo." bigla kong sabi.
"Ano?! Nasisiraan ka na ba?! Kailan ka pa natutong mag-inom ha?"
Natawa ko, "Pagdating jan, ang bilis mong magreact pero sa tanong ko kanina, parang hirap kang sagutin."
Natigilan na naman siya.
Ngumiti ako, "Di mo naman kailangan sagutin ee. Alam ko na na may girlfriend ka."
"Paano mo nalaman?"
"Because I can feel it. Ganon ata pagkamabal ee. Ano? Inom tayo?"
"Yah, ano ka ba! Anong inom inom ka jan! Wag mong sanihing nag-iinom ka na? Kailan ka pa natuto ha?"
"Di ko pa nata-try uminom. Ngayon pa lang kung sakali. Gusto kong ikaw ang makakainom ko sa unang try ko. Ano? Pwede mo ba kong pagbigyan? Gusto ko talaga uminom ngayon ee."
Tinitigan niya muna ako bago siya magsalita. "O sige." tumayo siya, "Hintayin mo ko dito." tapos lumabas siya ng bahay.
Kinuha kong chance yun para magpalit ng damit. After kong magpalit, sakto namang dating ni Sungyeol. May dala na siyang plastik ng Soju.
Hinanda ko naman yung maliit lamesa sa may sala. Nilapag niya naman dun yung dala niya. "Are you sure that you really want to try this?" tanong niya.
Tumango lang ako at ngumiti ng matipid. He sighed then nagtagay na siya. Saken niya unang inabot. Tinanggap ko naman at ininom ito. Unang tagay pa lang, humugit agad sa lalamunan ko. Ganito siguro pag first time. Sumunod na tagay, kay Sungyeol na.
Nakakailang tagay pa lang kami ni Sungyeol nang biglang may tumulo na luha sa mga mata ko. Hindi ko na mapilgilan yung nararamdaman ko kaya nailabas ko na.
Tinitigan lang ako ni Sungyeol. Sa titig niya, alam kong alam na niyang may problema ako pero ayaw lang niyang itanong.
Yung mga luha ko naman, ayaw ng tumigil sa pagpatak. "Ano ba to! Bakit pa ko biglang naiyak. Ganito ba pag first time?" then pilit akong tumawa.
Nginitian lang ako ni Sungyeol hanggang sa maramdaman kong niyakap niya ko. He gently patted my back pero wala siyang sinabi. Ganon lang kami. Nakayakap siya habang iyak lang ako ng iyak sa dibdib niya.
"Kuya, bakit ang sakit? Okay lang naman saken na di niya mapansin pero yung hindi niya mapansin yung mali ng iba, mas lalo akong nahirapan. Nahihirapan ako para sa kanya."
"Shhh! Okay lang yan. Ilabas mo lang. Mas magiging maluwag ang pakiramdam mo pag nilabas mo." narinig kong sabi niya.
I continued crying habang hinahayaan niya kang ako at yakap-yakap ng mahigpit. Hinihimas niya rin ang likod ko para mahimasmasan ako.
Matagal rin akong umiyak non. Di ko na rin namalayan na nakatulog na ko ng ganon lang kami...
CHAPTER 12
Kinabukasan, nagising na lang ako sa kwarto ko habang nakahiga sa kama ko. Medyo ang sakit ng ulo ko nung pagbangon ko.
Teka, ano bang nangyari kagabi?
Unti-unti kong inalala yung mga nangyari kagabi. Unti-unti ring nag-flashback yung mga nangyari. Ang naalala ko lang, nakatulog ako sa pagkakayakap ko kay Sungyeol pero paanong nanadito ko ngayon?
Nang mawala na ang sakit ng ulo ko, tuluyan na kong bumangon at naghanda sa school. After nun, lumabas na ako ng kwarto. Nadatnan ko naman si Sungyeol sa may kusina. Kumakain na ng breakfast.
Umupo ako sa tapat niya. Ni di lang man niya ko nilingon. Parang hindi ako dumating dun. Parang wala lang yung presence ko.
Tinitigan ko siya ng panandalian bago ko sabihing, "Ikaw ba nagdala saken sa kwarto?"
"Malamang!"
Tingnan mo tong taong to! Napakalakas mambara. Ang ganda ng sasagot. Bwiset ee!
"Ano ba Sungyeol, sumagot ka naman ng maayos!"
"Ano bang gusto mong isagot ko?"
"Psh! Naku, ewan ko sa'yo! Bwiset ka talaga kahit kailan! Lagi mo na lang sinisira umaga ko! Arrggg!" pagkasabi ko nun, dumampot na ako ng tinapay sabay labas ng bahay.
"Bwiset talaga yon! Bakit ko ba kasi naging kambala ng isang yon?! Akala ko pa naman mabait na siya saken. May payakap-yakap pa siya saken kagabi kala mo ang bait. Mukhang aasarin lang ako nun!" I mumbled to myself habang naglalakad patungong school.
"Hoy Hyesu!"
"Ay, anak ng kalabaw!" gulat kong sabi ng bigla kong narinig boses ni Sungyeol. Agad naman siyang nakasunod saken at ngayon ay nasa tabi ko na. "Bakit ka nang-iiwan ha?!"
"Pakialam mo ba?! Huwag ka ngang sumabay, panira ka lang ng araw ee!" inis kong sabi sabay lakad ng mabilis.
Sumunod naman ulit siya habang tumatawa. Inis ko naman siyang nilingon, "Oh? Anong tinatawa-tawa mo dyan? Baliw ka na ba ngayon?!" I hissed.
"Naalala ko lang itsura mo kagabi. Kakaiba ka umiyak pag lasing. Parang bata." asar niya saken.
Aba't talaga naman! Bwiset to ah! Tiningnan ko siya ng masama, "Bwiset ka talaga Sungyeol! Naku, ewan ko sa'yo! Bahala ka nga dyan!" tapos nun, lalo ko pang binilisan yung paglakad ko.
Hindi na rin siya sumunod pero narinig ko naman siyang sumigaw, "Mas gusto kong nakikitang kang naaasar kaysa naman umiiyak ka. That person doesn't deserve your tears, sister. Huwag mong pag-aksayahan ng luha mo yung taong yun!"
Napahinto naman ako dun. Naramadan ko na ring nglakad na ulit siya pero hindi siya huminto sa tapat ko. He only patted my shoulder sabay tuloy-tuloy na sa paglakad hanggang sa makapasok na siya ng school.
Sa pagkakasabi niya nun, parang ang dating eh TANGA ako pero sa di ko malamang dahilan, di ako galit. Sa totoo lang, na-touch ako sa sinabi niya. Dahil alam ko na sinabi niya yun hindi dahil naiinis siya kundi dahil concern siya. Kahit papaano, iniisip pa rin niya yung nararamdaman ko. Madalas man niya kong asarin, mabuti pa rin siyang kambal at kapatid saken.
From now on, hindi ko na sasayangin ang luha ko dahil lang sa walang kwenta. Bakit nga ba ako umiyak eh wala namang nararamdaman saken si Lay na tulad ng nararamdaman ko sa kanya? Hayy..
Huminga muna ako ng malalim before I finally entered the entrance gate. Diretso na ko sa classroom namin. Sakto namang nandun na si Lay. Huminga ulit ako ng malalim bago ako umupo sa tabi niya.
"Good morning, Hyesu!" bati niya na may mga ngiti sa labi.
Ano ka ba Lay? Bakit ka ganyan? Alam kong nasasaktan ka na pero bakit kaya mo pa ring ngumiti? Eto ba yung ibig sabihin ng sinabi mo saken nung birthday ko? Eto ba yung sinasabi mong hindi lahat ng kasiyahan ng tao ay totoo? Eto ba yun ha Lay?
Ano ba, wag ka namang ganyan. Mas lalo akong nahihirapan sa mga pinapakita mo saken ee. Di ko na alam kung dapat ba kong maawa sa'yo ngayon o mainis. Bakit ba sobrang bait mo? Pwede bang ako na lang yung babaeng mahalin mo? Hindi ba pwede yun, Lay?
"Hyesu, are you alright?" bigla niyang tanong. Mukhang napansin niyang nakatitig lang ako sa kanya.
"Oh.. I'm sorry Lay. May iniisip lang ako." sagot ko sabay naman dating ni Jiyeon. "GOOD MORNING!" masiglang bati niya.
Ngumiti lang ako tapos si Lay, binati rin naman siya. Tingnan mo tong lalaking to! Akala mo walang nagyari kagabi ee. Still, pinipilit pa rin niya maging masaya.
Hindi to tama eh. Dapat may magtama sa mga maling nangyayari ngayon...
---
Mabilis natapos amg araw. Uwian na. As usual, di na naman sumabay si Jiyeon saken. Well, olay lang naman yun. Isa pa, may kailangan pa kong kausapin.
Actually, nandito ko ngayon sa may gate. May hinihintay lang. Maya-maya, nakita ko na yung hinihintay ko kahit nasa malayo pa lang siya. Buti na lang wala siyang kasama. Well, late na rin naman kasi.
Nung malapit na siya, hinarang ko yung daan at hinarap siya. "Hoya, can we talk?"
He smirked, "Woah! Ikaw na ngayon ang lumalapit saken ah. Sabi ko na nga ba type mo rin ako eh but sorry Hyesu beause I still have to meet someone right now. So, if you excuse me?"
"Sino? Si Seohyun ba?"
Mukhang nagulat ang gago. Halata sa reaction niya eh. "I saw you making out with her last night." sabi ko.
"So? Selos ka?"
"Hoy, ang kapal ng mukha mo ah! FYI lang, di kita trip noh! At kaya kita kinakausap ngayon dahil gusto ko lang ipaalala sa'yo na hindi mo pag-aari si Seohyun para gawin yun! Di mo ba alam na may boyfriend na yung tao?!"
"Alam ko."
"Then bakit mo ginagawa to?!"
"Kasi kailangan ko ng laruan at nagkataong nalaman kong gusto pala kong ng babaeng yon. What can I do? I'm handsome and she can't resist me. Sayang naman kung pakakawalan ko di ba?"
I glared at him, "Ang sama mo! Di mo ba alam na sobrang mali ng ginagawa mo?! Hangga't maaga pa, itama mo na ang mali mo. Tigilan mo na to. Wag mo na siyang paglaruan, wag mo nang guluhin ang relasyon ng iba!"
"Okay, gagawin ko yun."
"T-Tama ba narinig ko? Hihiwalayan mo na si Seohyun?" tanong kong nakakabigla.
"Yes but in one condition."
Napatitig naman ako sa kanya. Yung tingin niya saken, kakaiba. Bigla tuloy akong kinabahan.
"Ano namang condition yan?" I asked.
"Replace her status and be my toy."
"What?! No way! Bakit ko naman gagawin yon?!"
"Okay then. Kung ayaw mong tanggapin, baka pwede ka nang umalis sa dadaanan ko para naman makaalis na ko. May naghihintay pa kasi saken eh."
Natigilan naman ako dun. Di ko alam kung anong dapat kong sabihin sa kanya. Hinayaan ko na lang tikom ang bibig ko at dahan-dahang tumabi ng konti para makadaan na siya.
With that, nagsimula na siyang maglakad. Nang makalagpas na siya saken, bigla naman siyang nagsalita ng mahina pero tama lang ang lakas para marinig ko.
"Pag-isipan mong mabuti ang condition ko. Di ko pa tinatanggap ng buo ang pagtanggi mo. Hihintayin ko lang na magbago ang pasya mo."
"Tigilan mo ko Hoya. Di ako magpapagamit sa'yo!"
"Wag kang magsalita ng tapos." pagkasabi niya nun, tuluyan na siyang umalis.
Naiwan akong nakatayo pa rin dun. Ilang sandali rin akong nakatayo lang dun bago ko maisipang magsimula ng maglakad pauwi. Isa lang ang nasa isip ko habang nasa gitna ng paglalakad. At alam niyo kung ano? Eto,
Anong gagawin ko?
CHAPTER 13
*Hikab*Hikab*Unat*Unat*
Hayy, panibagong araw na naman. Parang ayoko nang lumabas ng bahay. Ang hirap ng ganito, ang daming iniisip. Mas marami pa nga ata akong iniisip kaysa dapat na taong nag-iisip ng gagawin sa problemang to eh.
Anong problema? Nakalimutan niyo na ba?
Lay --> Seohyun --> Hoya --> Ako
Wait, kasama ako? Ay oo nga pala, dawit na ako. Ang gago kasi ng Hoya na yan ee! Paano na ba gagawin ko? Do I need to agree with Hoya? Do I need to accept his offer to be his toy?
Well, wala naman sigurong gustong maging laruan ng isang tao di ba? Pero para to sa ikaliligaya ng my labs kong si Lay.
Ano daw? My labs?
Aba, gumaganon na ako ah.
*Erase*Erase*
Okay, seryoso na ulit. So, ano na nga gagawin ko? Aish! EWAN!
Makapasok na nga lang. Ay, mag-aayos pa lang muna pala ako. Ano na ba tong nangyayari saken. Masyado na kong napapraning dahil sa dami ng iniisip ko. Aish! Bahala na talaga mamaya.
Pagkatapos ko mag-ayos, nag-breakfast na ko with my twn brother Sungyeol. Syempre, bangayan ulit kami sa umaga. Ano bang bago? Ganyan pag nakasanayan na. Ayos lang, masaya naman makipagbangayan diyan sa isang yan eh.
Nauna na kong umalis sa kanya. Ang tagal kasi kumain eh. Pero feeling ko binagalan talaga niya ee. Mukhang may kasabay atang iba. Ayoko na siyang pakialaman ngayon. Oo, ngayon lang. Saka ko na papakialaman yan. Kailangan ko mo ng mag-isip ng mabuti para sa mga gagawin ko in the future.
Future talaga eh noh? Tsk! Sana tama yung maging desisyon ko. Kailangan ko lang ng confirmation from him.
"Aga mo naman atang papasok."
Boses pa lang alam ko na. Boses demonyo eh.
"So? pakialam mo naman Hoya?!"
"Syempre may pakialam ako."
Aba, at talagang sumagot pa ang hayop! Sorry for my harsh words. Eh bwiset kasi eh. Panira ng araw kahit kailan.
"Paano ka naman nagkaroon ng pakialam ha?"
"Dahil di magtatagal tayo na ang laging magkasama." pagkasabi niya non, naglakad na siya ng mabilis hanggang sa sobrang layo na niya saken.
Ano daw? Kami na daw ang laging magkasama pag di nagtagal? Grabe, nakakakilabot naman yung mga sinasabi non. Asar talaga!
Sa bwiset ko, napabilis ang lakad ko. Ang tae lang, di ko namalayan na naabutan ko pala ang demonyo.
"At talagang gusto mo na akong makasama ngayon pa lang ah? Sinasabi mo bang payag ka ng pumalit kay Seohyun bilang laruan ko hmm?" bigla niyang sabi sabay smirk.
Ang kapal talaga neto! Gusto ko na daw siya makasama ngayon pa lang? OH MY GOD! Nasusuka ko sa mga lumalabas sa bibig netong demonyong to ah.
I glared at him sabay ko inirapan. Ayoko na siyang kausapin kaya mas lalo ko pang binilisan yung paglakad ko. Narinig ko naman siyang sumigaw.
"Hihintayin ko sagot mo mamayang uwian. Hintayin kita sa gate!"
At talagang isinigaw pa niya eh noh? Buti na lang at maaga pa. Walang ibang taong nakarinig. Bwiset talaga to! Naku!!!
Ilang saglit lang, narating ko na rin ang classroom namin. Swerte ko, ako lang tao. Swerte ba yun? Loner nga ako eh >.<
Then may bigla akong narinig na nagbukas ng pinto. Pagkaangat ko ng ulo, nagliwanag ang paningin ko. Tae, ang gwapo! Sino pa ba ang gwapo sa paningin ko? Eh di wala ng iba pa kundi si LAY...
"Good morning!" masiglang bati niya.
"Good morning too!" pati tuloy ako sumigla dahil sa isang to. Akala mo walang problema eh. Hayy..
Tumabi na siya sa tabi ko. "You're early today." sabi niya. "Ah-eh.. oo nga eh. Napaaga gising eh. Ikaw, bakit ang aga mo rin ata ngayon?"
"Gusto kasi pumasok ng maaga ni Seohyun eh kaya maaga ko siya sinundo."
Ahh.. Si Seohyun na naman pala ang dahilan. Hayy naku Lay, bakit ba nag tanga tanga mo? Di ba pwedeng ako na lang?
"Bakit di mo siya kasama ngayon?" tanong ko naman.
"May gagawin pa daw kasi siya."
Ang tipid naman ng sagot niya o sadyang nabitin lang ako? Parang may gustong lumabas sa bibig niya kaya parang pinipigilan niya. Ano naman kaya yun?
Ay teka, si Hoya! Ang aga niya pumasok ah. Di kaya magkikita sila ni Seohyun? Eh bakit hindi na lang siya nagpasundo dun kaysa naman dito kay Lay? Ay oo nga pala, si Lay nga pala ang alam ng lahat na boyfriend niya. Eh ano bang tumatakbo sa isip ni Seohyun at may iba pa siya? Di pa ba sapat ang isang gwapong Lay sa kanya? Aish! Ang hirap intindihin.
Kung ako yun, naku baka nga sobra-sobra pa si Lay saken. Grabe kaya tong nilalang na to. SUPER GWAPO! At mukhang yummy pa!
Wait,a nong sabi ko? YUMMY? OMG!!!! Mali yun! Naku, kung anu-ano na ang iniisip ko.
*Erase*Erase*
Bata pa ko noh! Di ko pa alam ang mga ganong bagay.
Napatingin ulit ako kay Lay. Sa may bintanan siya nakatanaw. Mukhang ang lalim ng iniisip niya. Iniisip niya ba na kasama ni Seohyun si Hoya? naku, ang sakit naman nun!
"Umm.. Lay, bakit hindi mo siya sinamahan?" natanong ko.
"Ayoko."
Hala! Ano daw? Ayaw niya? bakit? Dahil ba ako ang gusto niyang makasama? OMG!!!
"Ayoko siyang istorbuhin. Gusto niya daw mapag-isa. Gustuhin ko mang lagi ko siyang kasama, I can't. I always wanted to respect all her decisions. If that's the thing that can make her happy, it's already enough for myself to be happy. I'm happy when she's happy. That's all."
SHIT! Alam ko na. Get ko na, as in gets na gets! sabi ko na, ramdam niya na na kasama ni Seohyun si Hoya. Hala naman oh. Nakakainis! Sobra niya talagang mahal si Seohyun. Kainggit. Sana ako na lang.
"Umm.. Lay, may question ako."
Napatingin naman siya saken.
"Paano kung.. may iba si Seohyun bukod sa'yo tapos inamin niya sa'yo, ano... anong gagawin mo?" tanong ko. "Kunwari lang naman." pahabol ko. Mahirap na, baka mamaya maghinala pa to na alam ko.
Naramdaman kong natigilan siya dun. As in ramdam na ramdam ko. Pati ang napakalalim na buntong-hininga niya. Akala ko hindi na siya sasagot kasi napakatagal na katahimikan ang pumalibot sa loob ng classroom pero bigla siyang nagsalita...
"Hindi ko siya iiwan."
Nakatingin lang ako sa kanya. Alam ko kasing may kasunod pa yung sasabihin niya. At tama nga ako...
"Kung sakaling may iba siya at aminin niya saken, tatanggapin ko pa rin siya."
"Pero bakit? Hindi ka magagalit?"
Tumingin siya saken, "Alam mo kasi Hyesu, pag mahal mo ang isang tao kahit ano pang gawin niyang kasalanan, tatanggapin at tatanggapin ang tao na yun kahit gaano pa kabigat ang kasalanan niya. Gagawin mo ang lahat para lang mapasaya ang taong mahal mo."
"Kahit may kahati ka?"
Tumango siya, "Alam mo kasi, kung sakaling mayroon man siyang iba ngayon, kung hindi niya ako mahal baka iniwan na niya ko. Siguro nakapaghiwalay na siya. At kung hindi niya ginawa yun, ibig sabihin mahal niya ako dahil hindi niya ako kayang iwan. So, tatanggapin ko pa rin siya because I love her. As simple as that."
Tae lang! Grabe magmahal ang isang to! Napakaswerte ni Seohyun. Hayy, mukhang kailangan ko na magdesisyon.
Maya-maya, nagdatingan na ang iba naming classmates including Jiyeon.
Mabilis rin naman ang oras at eto na, nandito ako ngayon sa canteen with my friends. Kumakain na rin kami. Medyo naka-get over na rin ako sa usapan namin ni Lay kanina. MEDYO lang ah.
Okay na sana lunch ko eh, naki-table ba naman sila Sungyeol at mga kaibigan niya. At syempre kasama si Hoya dun. Pambwiset! Tumabi pa saken ee. ASAR talaga!
Panay bulong pa about dun sa usupan namin. Aabangan niya daw ako sa gate mamaya at maghihintay siya hanggang makapagdesisyon ako.
Sa totoo lang, nakapagdesisyon na naman talaga ko eh. Anong final decision ko? Mamaya na lang uwian. Abangan niyo na lang.
"Tingnan mo sila oh." biglang bulong naman ng demonyo sa tabi ko sabay turo sa kinaroroonan nila Lay at Seohyun.
Aba't talaga naman. Mukhang gusto pa kong asarin ng demonyong to ah! Eh pano ba naman, pagtingin ko magkayakap yung dalawa. Bwiset talaga! Tiningnan ko nga ng masama ang demonyong katabi ko. Kabwiset kasi eh!
"Wag mo nga akong kasusapin!" sabay harap sa unahan ko. Nakita ko namang nakitingin saken si Chen na may pag-aalala sa mukha.
Ngumiti ako sa kanya, 'I'm okay, don't worry.' I mouthed to him.
Nag-nod naman siya at napabuntong-hininga.
Nilingon ko ulit sila Lay, magkayakap pa rin. Ang sweet-sweet nilang tingnan. Akala mo walang problema an relasyon nila. Hayy, kung alam lang ng iba..
Napansin ko naman naka-smirk tong si Hoya sa gilid ng mata ko. Di ko siya nilingon, ipinagpatuloy ko n lang ang pagkain ng lunch ko.
Natapos ang lunch ng ganon. After non, balik na ulit sa mga kanya-kanyang classrooms. Mabilis rin naman natapos ang klase. Uwian na.
"Hyesu, sabay tayo?" tanong ni Jiyeon.
"Sorry Jiyeon, may pupuntahan pa kasi ako eh. Bye!" umalis na agad ako. Baka kung ano pang itanong niya at ano pang maisagot ko.
Nagmadali akong tumakbo papuntang exit gate. Sakto naman, nandun na si Hoya.
"Sabi na eh. Pupunta ka."
"Malamang, dito kaya palabas pauwi." sabay irap ko.
"Eh bakit ka huminto? Dahil saken?"
I roled my eyes, "Whatever Hoya. Wag tayo dito, baka may makakita pang iba. Let's talk somewhere."
"Okay. Let's go." hinila niya ako palayo sa school. Huminto rin naman kami agad nung malyo-layo na kami sa school. "So, what's your decision Hyesu?"
Unti-unti ko siyang hinarap at tinitigan muna siya ng medyo matagal bago ko siya sagutin.
"I'll replace Seohyun's spot. I'll be your new toy."
CHAPTER 14
"I'll replace Seohyun's spot. I'll be your new toy."
Pagkatapos na pagkatapos kong sabihin ang mga katagang yan, biglang hinila ni Hoya ang kanang braso ko gamit ang kaliwa niyang kamay at saka ako hinalikan.
Sa sobrang gulat ko, parang nahirapan ata akong gumalaw. Hindi ko kasi maikilos ang katawan ko. Nanlaki lang ang mga mata ko dahil sa ginawa niyang yun.
Bumitiw naman agad siya kaya lang bigla akong kinalabutan sa sinabi niya.
"Di pa ko tapos."
Ano daw? Hindi pa daw siya tapos? Anong ibig sabihin non?
Ang kapal talaga ng mukha ng isang to. Halikan daw ba ko ng walang paalam? Aish! Nakakadiri. Yung first ko, nakuha na ng demonyong nasa harapan ko. Asar!!!
Tiningnan ko siya ng masama pero nginitian niya lang ako.
Aba't talagang nakuha niya pang ngumiti ah. Ngiting demonyo pa! Bwiset lang!
Then bigla niyang kinuha yung phone niya sa bulsa. Malamang nag-dial muna siya before niya itapat yung phone sa kanang tenga niya.
Nagtataka ba kayo kung bakit di ako umaalis? Eh pano ba naman, nakahawak pa saken tong demonyong to. Ang higpit pa!
"Hello." ayan nagsalita na siya dun sa kausap niya sa kabilang linya. "We're now over. Let's not see each other anymore." sabay end of call na siya.
Aba, ayos to ah. Ganun-ganon lang yon? Tapos na? Wala na sila ni Seohyun? As in wala na? Takasan ko kaya ang isang to?
Bumaba ang tingin ko sa kamay niyang nakahawak sa braso ko. I bit my bottom lip at balak ko na sanang takasan kaya lang bigla niya kong hinila at sinandal sa may pader.
Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Hindi dahil in love ako sa kanya kundi dahil sa sobrang kaba ko. Bigla ba naman gawin saken yun? Kakagulat kaya. Kung makatingin pa siya tila papatay ng tao. Ngiting demonyo pa eh.
"Sabi naman sa'yo di pa ko tapos eh." sabay niya ko hinalikan ulit.
Sa totoo lang, gusto ko siya itulak pero hindi ko kaya. Mas malakas siya saken at pati hawak niya rin ang magkabilang braso ko habang pilit niya akong hinahalikan.
Grabe, nandidiri na ko sa mga nangyayari ngayon!
Then he suddenly bit my bottom lip asking for entrance. Pero dahil ayoko, pinanatili kong tikom ang bibig ko. Kaya lang bigla niyang hinawakan ang butt ko so I accidentally gasped na naging dahilan ng kongting pagbuka ng bibig ko.
Ayon! In-explore niya na yung bibig ko. Pilit akong nagpumiglas pero wala. Hindi ko kaya ang lakas niya. Nanghina na ko, hindi ko na kaya pa siyang labanan. Hinayaan ko na lang siyang halikan ako.
Naramdaman ko namang tumulo ang luha ko. Alam kong naramdaman niya rin yun dahil sobrang lapit ng mga mukha namin sa isa't isa. Pero di pa rin natinag ang gago. Tuloy pa rin siya sa pag-abuso sa labi ko.
Maya-maya lang, tumigil na rin siya. Aba't buti naman napagod na siya. Feeling ko mamamatay na ko dahil halos mawawalan na ako ng hininga sa ginawa niya.
"Wag ka na umiyak diyan. Di ka ba nasarapan sa halik ko?" then I saw him smirked.
I glared at him, "Hindi! Nakakadiri!"
He chuckled, "Sa ngayon lang yan. Sa mga susunod na araw masasarapan ka na kaya sanayin mo na ang sarili mo simula ngayon."
"Ang kapal ng mukha mo! Iyon na ang una't huling halik mo saken kaya tigil-tigilan mo ko sa mga pinagsasasabi mo!"
"Talaga lang ah? Para san pa't naging laruan kita para di ko laruin? Hangga't gusto kitang halikan, wala kang magagawa. Laruan lang kita, tandaan mo yan."
"Eh pano kung sabihin kong ayoko na?" I said.
He smirked, "Madali naman akong kausap eh. Siguradong isang tawag ko lang kay Seohyun, kami na ulit."
Tiningnan ko siya ng masama, "Don't you dare do that!"
"Then don't you dare quit of being my toy." sabi niya.
Tinitigan ko lang siya ng masama. Di ko na rin alam kung paano ko pa siya paptulan. Mukhang mali ata tong pinasok ko.
"Mukhang wala ka ng masabi ah?" then tumawa siya ng matipid, "Good toy. Punas-punasan mo na yang mga luhan mo. Nakakairita eh."
Hindi ko siya sinunod. Nakatitig pa rin ako sa kanya ng masama.
"Alam kong gwapo ako. Wag mo na kong titigan baka matunaw ako niyan."
Ang kapal ng mukha neto! Di naman siya kagwapuhan!
Then bigla siyang lumapit at pinunasan ang luhan ko. After non, tumingin siya saken.
Ano ba to! Kinakabahan ako. HELP!
"Gusto ko sa susunod, magaling ka na humalik. Yung masasabayan yung galing ko sa paghalik." tapos hinalikan niya ko sa noo.
Nakatingin lang ako sa kanya.
Ngumiti siya. As usual, ngiting demonyo pa rin. "Umuwi ka na. I'll see you tomorrow." then tumalikod na siya at naglakad palayo.
Nakahinga naman ako ng maluwag don. Sa wakas nakaalis na ang demonyo. Kaya lang anong sabi niya bago umalis? Dapat ko na daw galingan ang paghalik sa susunod? Gago ba siya?! AISH!
Inis akong naglakad pauwi. Bwiset na araw kasi to! Wala lang man nangyaring maganda. Simula pa lang sa usapan namin ni Lay kaninang umaga hanggang ngayon, puro kagaguhan lang ang nagawa ko.
Pwede bang ibalik ang oras? Pwede bang bawiin yung sinabi ko kay Hoya kanina? Ayoko ng kalagayan ko ngayon ee. AYOKO!
---
"Anong nangyari sa'yo?" pambungad saken ni Sungyeol pagkapasok na pagkapsok ko ng bahay.
"Ha?" pagtatakang tanong ko.
"Ano kako nangyari sa'yo? Bakit namumula yang mga mata mo?" tanong niya ulit.
Hala! Patay! Namula pala mata ko sa pag-iyak ko kanina?
Yumuko ako, "Wala to. Nag-practice lang ako umiyak kanina baka sakaling pwede akong mag-artista. Haha." palusot ko.
"Psh! Asa ka namang magiging artista ka. Magbihis ka na don at kumain na tayo."
Hala! Naniwala siya? Naku, ang uto-uto naman nitong kambal ko. Tss! Well.. Mas mabuti na to. Kaysa naman magpaliwanag pa ko ng bongga di ba?
Sinunod ko na ang sinabi ni Sungyeol na magpalit na ako ng damit tapos bumaba na rin after para sabayan siya sa pagkain.
Tahimik lang ang pagkain namin ng dinner ni Sungyeol. Himala! Di niya ako inaasar ngayon. At ako naman? Wala akong gana mang-asar. Di ko pa rin makalimutan yung katangahang ginawa ko kanina. Ang magdesisyon ng padalos-dalos.
Hayy.. Ano na kaya mangyayari sa buhay ko neto? Sana naman di ko pagsisihan tong ginawa ko.
Wait! Hindi pagsisihan?
Eh bakit parang pinagsisisihan ko na ngayon pa lang? Aish! BATREEEEEEP!!
Natapos rin ang dinner ng matahimik. Ang tae lang, di ako sanay. Bakit ba di nang-aasar ang isang to? Pagod siguro. Well.. pagod na rin ako noh.
At ang nakakagulat pa, nagprisinta pa siyang maghugas ng pinggan. "Ako na maghuhugas ng mga kinainan natin. Umakyat ka na lang sa kwarto mo at magpahinga. May pasok pa bukas." then sabay kuha ng mga maruming pinggan at diretso sa lababo.
Hala! Magugunaw na ba ang mundo? Bakit biglang bumait ang isang yon? Naku naku, baka naman may hihingin saken to bukas?
Bahala na nga. Hintayin ko na lang bukas kung anuman yon. Pagod na rin naman ako. Makatulog na lang. Kailangan kong ipagpahinga ang isip ko. Ayoko na munang isipin ang mga maling nagawa ko ngayong araw. Bulas na lang.
BAHALA NA BUKAS!
Pagpasok ko sa kwarto, diretso higa agad sa kama. Di muna ako nakatulog dahil naalala ko na naman yung paghalik ng demonyong Hoya na yun saken. Grabe, diring-diri na ko sa labi ko ngayon.
Napatayo tuloy ako at pumunta ng CR. Nag-tooth brush ako at sinigurado kong malinis na malinis ang bibig ko bago ako bumalik ulit sa pagkakahiga sa kama ko.
Ilang segundo pa lang akong nakahiga sa kama ko, bigla ng tumulo ang mga luha ko. Ang sakit kasi eh. Naalala ko yung usapan namin ni Lay kanina. Ang sakit lang isipin na sobrang mahal niya si Seohyun na kahit ginagago na siya, ayos lang.
Tapos pati yung deal ko kay Hoya, nakisali pa sa isipan ko. Lalo tuloy akong napahagulgol sa iyak.
Umiyak lang ako ng umiyak nung gabi na yun hanggang sa maramdaman kong bumigat na ang mga pilik-mata ko tuluyan na itong tumiklop na naging dahilan ng pagpikit ng mga mata ko. Then...
zzzzzZZZZZZZ..............
CHAPTER 15
Kinabukasan...
Ano pa nga ba? Eh di balik ulit sa dating gawi. Ayos-ayos lang konti tapos kain ng almusal. As usual, sabay ulit kami ni Sungyeol mag-breakfast.
Pagkaupong-pagkaupo ko, sabay titig naman ni Sungyeol saken. Ano naman problema neto?
I raised an eyebrow, "Ano namang tingin yan?"
"Mukha ka kasing ewan."
Ano daw? Mukha akong ewan? Aba gago talaga tong kambal ko ah. Inirapan ko nga.
"Tigil-tigilan mo nga ko Sungyeol. Wala akong sa-mood makipagbangayan sa'yo ngayon, okay?"
"Oo. Halata ko naman eh." sagot niya.
Napataas ang isa kong kilay, "What?"
"Yung mata mo namamaga." simpleng sagot niya sabay subo sa pagkain.
Napahawak naman agad ako sa mga mata ko sabay tayo at takbo sa salamin. Nanlaki mga mata ko kasi tama yung sinabi ni Sungyeol. Grabe, di naman halatang umiyak ako kagabi eh noh? Aish! SUPER HALATA lang. Hayy..
Nanghihinang bumalik ako sa hapag-kainan. At walang ganang umupo sa upuan ko kanina.
"Wag ka ngang sumimangot diyan. Just wear eye glasses to hide it." sabi ni Sungyeol.
Napatingin naman ako sa kanya.
Wait lang, parang nakakapanibago ang isang to ah. Kumunot ang noo ko habang nakatitig lang ako sa kanya.
I saw him raised an eyebrow, "Ano namang tingin yan?"
"Ikaw, bakit parang ang bait mo ngayon? Hindi mo ba ko aasarin?"
"Bakit gusto mo ba?"
Umiling ako, "Syempre hindi."
Umikot ang mga mata niya, "Ganon naman pala eh. Kumain ka na lang diyan at ng makaalis na tayo."
I made a face, "Opo kuya." sabi kong parang nang-aasar.
Di na siya sumagot at pinagpatuloy na lang ang pagkain niya. At ganon na rin naman ang ginawa ko. Kaysa naman makipagbangayan pa ko sa kambal kong to di ba? Eh di na-late pa kami kung nagkataon.
Hindi rin nagtagal at natapos na ang pagkain namin. Sabay na rin kaming pumasok ni Sungyeol. Sinunod ko rin yung sinabi niyang magsuot ng salamin para maitago naman ng konti ang pagka-maga ng mata ko.
Tahimik lang ang buong oras ng paglakad namin ni Sungyeol. Di niya ako inaasar at ganon din naman ako. Ayoko na kasi makipagbangayan, nakakapagod kaya. TRY NIYO!
Sa wakas, narating din namin ang school. Naghiwalay na kami ni Sungyeol ng landas. Wow, landas talga eh noh? haha. Basta, naghiwalay na kami. Dumeretso na ko ng classroom. Sakto naman at nandun na si Jiyeon. Umupo na rin agad ako sa upuan ko.
"Good morning, Hyesu!" masiglang bati ni Jiyeon.
Humarap ako sa kanya, "Good morning din."
Bigla namang nawala ang ngiti sa labi niya. Nakakunot-noo na siya ngayon kaya naman napakunot-noo na rin ako. Hawa-hawa din.
"Ano nangyari sa mata mo?" tanong niya.
Nagulat naman ako dun. Bakit kasi niya biglang tinanong? Halata ba? Halata bang maga ang mga mata ko kahit nakasalamin na ako?
"Ha? Wala to." sabay iwas tingin.
"Malabo na ba mata mo, Hyesu?"
Toinks! Yun lang naman pala iniisip ng isang to. Akala ko nahalata na niya eh.
Nginitian ko siya, "Hindi naman. Trip ko lang mag salamin ngayon."
"Psh! Dapat sinabihan mo ko para nagsuot rin ako. Eh di terno sana tayo. Tss!"
Aba at gusto pa kong sabayan sa trip ko. Ayos talaga tong si Jiyeon. Napakadaling paniwalain.
"Good morning girls."
Napalingon naman kaming dalawa ni Jiyeon sa pinanggalingan ng boses. Pagka-angat na pagka-angat ng ulo ko, bumungad agad ang napaka-gwapong mukha ni Lay saken. Di ko napigilan, napangiti ako.
"Good morning din, Lay."
"Psh! Pag saken walang kasamang pangalan ang pagbati pero sa kanya.. Aish!" bulong naman ni Jiyeon.
Siniko ko nga. Sinenyasan ko siya at mukhang nakuha naman niya ang gusto kong iparating. Tumingin siya kay Lay at ngumiti, "Good morning din."
Nginitian kamin ulit ni Lay bago siya umupo sa upuan niya. Kinilig naman ako. Tae kasi, ngiti pa lang ulam na! Saan ka pa?
Maaga namang dumating ang Prof namin at kinainis ko yun dahil di ko na makakausap si Lay. Kailangan ng magseryoso sa pag-aaral.
---
RIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIINNNNNNNGGGGGGGGGGGGGGG!!!!!!!!!!!!!!
Ayan, bell na. Yay! lunch na sa wakas!
Eto na, papunta na kamingcanteen ni Jiyeon. Pagkarating namin dun, diretso na si Jiyeon kay Myungsoo. Well, automatic na naman yun eh. Hinayaan ko na. Diyan siya masaya eh, masaya na rin ako sa kanya.
Palakad pa lang ako sa usual place namin nang may biglang may humatak saken. Alam niyo kung sino? Syempre hindi niyo alam.
Well...
Ang demonyo lang naman!
Sinong demonyo? Sino pa ba?
Eh di si HOYA!!!
Pagkakita ko pa lang sa kanya, napasimangot agad ang mukha ko. Eh pano, bukod sa siya yung humatak saken eh nakapulupot din ang braso niya sa waist ko. Bwiset, ang manyak lang!
Pero siya?
Nakangiti lang, ngiting demonyo. Ano pa ba nag inaasahan niyo? Wala na. Ganyan lang!
"Bumitiw ka nga saken. Ang manyak mo!" I hissed.
"Ayoko nga. Laruan lang kita kaya di ka pwede tumanggi." simpleng sagot niya sabay halik sa pisngi ko.
Lalo tuloy ako napasimangot. Itutulak ko na sana siya palayo saken pero hinila niya na ko papunta sa usual table namin. YES, namin. Remember magkasundo na ang friends ko pati ang friends ni Sungyeol? So Yeah! No choice ako, kailangan kong magtiis sa buong oras ng lunch. Magkatabi na kami eh. Wala na kong takas.
At tulad ng inaasahan ko, napansin agad kami ng iba.
"WooooH! May hindi ba kami alam dito?" tanong ni Sunggyu habang nakatingin samin ni Hoya na nakakaloko. Ngumiti naman ng malapad tong si demonyo, "Oh yeah. I almost forgot! Hyesu's my girl now."
Napatingin naman silang lahat saken lalo na si Sungyeol, Jiyeon at Chen.
Naku, patay! What should I do?
Nginitian ko lang sila, PILIT.
"Hyesu, kayo na ni Hoya di mo lang man sinabi saken?" tampo ni Jiyeon.
"Umm. Sorry pero kahapon lang naman naging kami ni Hoya eh." paliwanag ko.
"Kahit na. Kanina pa tayo magkasama pero wala ka lang man nabanggit saken saka parang imposible. Akala ko si L---"
Bago pa man matapos ni Jiyeon ang dapat niyang sabihin, nagsalita na ko. "Balak kasi talaga namin ni Hoya na ipaalam sa inyo ng sabay-sabay kaya ngayon lang namin sinabi. Di ba Hoya?"
Naku Hoya, sumakay ka na lang. Please lang.
Ngumiti siya, "Yes, babe."
"Woah! Babe? Ang lupet mo Hoya!" singhal naman ni Woohyun.
"I know I'm hot!" sabi naman ni Hoya.
Ang kapal ng mukha!
Gusto ko sana lumipat ng upuan pero nakapulupot pa rin yung braso niya waist ko. Ano pa nga ba magagawa ko? Eh di manatili na lang sa impyernong kinalalagyan ko ngayon. Tss!
Bigla namang may kumurot saken. Si Xiumin. "Ang cute mo. Dalaga ka na. Ayiieee!"
Aba't nang-asar pa ang isang to. Di niya ba nahalatang ayoko tong ginagawa ko. Aish!
"Ayyiiiieee! May kuya na ko." isa pa tong si Tao. Ang sarap lang nilang kaltukan.
Si Kris at Luhan naman, ngiti lang saken ng nakakaloko. Di rin nagpatalo eh noh. Kailangan kasali rin sila? BWISET na buhay to oh.
Yung iba, inaasar na rin kami. At pati rin si Jiyeon? Akala ko pa naman gets niya na. Mukhang mali ako. Well, mas okay na rin yun. Mahirap na baka madulas pa siya at mabuking ako. Pati ang relasyon nila Lay at Seohyun delikado pag nagkataon.
Si Sungyeol at Chen, nakatitig pa rin saken at alam kong gusto nilang magtanong. Iniwas ko na lang ang tingin ko sa kanila. Pero di ko inaasahang sa pag-iwas kong yun, malilipat ang tingin ko sa kinaroroonan nila Lay at Seohyun.
Ang gulat ko lang, parehas silang nakatingin sa direksyon namin. Yung expression ng mukha nila, ang hirap basahin. Ang hirap i-explain. Basta, kakaiba.
Napayuko na lang tuloy ako. Itinuon ko na lang ang sarili ko sa pagkain. Ayoko na mag-isip pa at ayoko na rin kumausap. Kumain na lang ako ng tahimik. Di na rin naman sila nang-aasar pati di na rin nakatitig saken si Sungyeol at Chen pero alam kong di pa sila tapos. Alam kong gusto lang nila kong hayaan muna s ngayon.
Ang bilis din ng oras. Tapos na ang lunch time. Eto na, pabalik na kong classroom. Iniwan ko na si Jiyeon. Kasama pa kasi niya si Myungsoo at naglalambingan pa. Ayoko din naman ng may kasabay ng kahit na sino sa kanila. siguradong puro tanong lang ang ibabato nila saken.
Pero may bigla na lang humarang sa dinadaanan ko. Napaangat naman ang ulo ko. "Chen.."
"May gusto lang akong malaman. Sagutin mo lang ang isang tanong ko."
"Ano ba yun?"
"Bakit mo to ginagawa? You don't have feelings for him, right? Then why?"
"I have a reason."
"What's your reason?"
"Lay." napakasimple at napaka-ikling sagot ko.
Huminga siya ng malalim. "I don't know why Lay become your reason pero di na rin ako magtatanong. Mukhang di mo rin naman ako sasagutin. Pero tandaan mo, pag di mo na kayang pakisamahan yang si Hoya, takbuhan mo lang ako. Ako nang bahala."
Napangiti naman ako dun, "Salamat, Chen. thanks for understanding."
Tumango lang siya tapos umalis na. Ganon na rin naman ang ginawa ko. Diretso na ko sa classroom.
Sa sobrang bilis ng oras, di ko na namalayan na uwian na pala.
Nagpaalam naman ako agad kay Jiyeon at lumabas na ng classroom. Pano ba naman, si Hoya nagtext. Lumabas daw kami. Makakatanggi ba naman ako? Eh laruan niya nga ako di ba? Kaya no choice ako. Hinihintay niya daw ako ngayon sa malapit na Cafe sa school kaya doon na ako patungo sa mga oras na to pero...
may biglang humatak saken sa gate pa lang. Laking gulat ko naman nang napaangat ang ulo ko dahil sa taong nasa harapan ko ngayon.
"Lay..."
CHAPTER 16
"Lay..."
Ayan ang unang lumabas sa bibig ko pagkakitang-pagkakita ko sa gwapong nilalang sa harapan ko. Ewan ko, pero parang kinabahan ako sa mga oras na yon. Naman kasi, yung tingin niya napakaseryoso. Alam niyo yun?
Aish! basta, iba sa kilala kong Lay.
Tumitig lang siya saken ng panandalian bago may lumabas sa bibig niyang mga salita.
"Are you insane?"
What? Ano daw? Ako? Insane? Bakit? Ano bang nangyayari?
Okay, ang OA ko...
"Wait lang Lay ah.. Pero pwede mo bang linawin? Paano mo naman nasabing insane ako? Ang gulo eh." napapailing kong sabi.
Tinitigan ulit niya ako.
Grabe na to ah, papatayin ba ko nito sa titig lang? Takte, feeling ko unti-unti na kong natutunaw dito eh. Lintek na titig yan. Pwede na kong mamatay!
Tapos bigla niya akong hinawakan sa magkabilang balikat ko habang nakatitig pa rin saken. "Why are you with him?"
"Ha?" nagtatakang tanong ko.
"That boy named Hoya, you're dating him right?"
Ahhhh... Si Hoya naman pala. Teka lang, eh bakit naman niya tinatanong? Nagseselos ba siya? Ayiiieeee. Kinikilig ako. Ano ba to, masyado akong assuming!
*Erase*Erase*Erase*
"Pero teka, pano mo nalaman?"
"So, it's true?"
Nagbuntong-hininga ako, "Okay, that's true. Now, can you answer my question? How did you found out about this?"
"I just saw you with him earlier at lunch. I saw the both of you together while his arms around you."
Sa tono ng boses niya, may kakaiba. Parang may mali.
"Hoya is now my boyfriend so it's normal."
"Yeah it's normal for te real couples."
"What? Are you saying we're faking?" medyo inis kong tanong. Feeling ko kasi buking na niya agad ako. Wag naman sana.
"No. I'm not saying that the both of you."
Napataas naman ako ng isang kilay don. Eh parang ang gulo kasi ng sinasabi niya eh.
"What I mean is he's the only one faking your so-called relationship. He's a player and he's only playing with your heart. Your only one of his toy."
Tama siya don pero di ko pwedeng sabihing alam ko dahil baka madulas ako't masabi ko pa ang totoo ng wala sa oras.
"Excuse me Lay pero baka nakakalimutan mong boyfriend ko ang sinasabihan mo ng masasamang bagay na yan."
"I know pero gusto lang kitang iiwas sa mga lalaking katulad niya. I'm sorry to say this, pero hindi marunong magmahal ang tinatawag mong boyfriend. Marunong lang siyang maglaro, maglaro ng puso ng mga babae. Kaya hangga't maaga pa, umiwas ka na. Hiwalayan mo na siya hangga't maari."
Nginitian ko lang siya ng pilit bago ako magsalita, "Alam mo Lay, hindi ko alam kung pano mo nasasabi ang mga bagay na yan. Sa pagkakatanda ko, tranferee ka lang dito at mahigit isang buwan ka pa lang dito pero ano to? Bakit kung magsalita ka parang mas kilala mo pa si Hoya kaysa saken? Bakit Lay? May kilala ka bang napaglaruan na ni Hoya huh?"
Sinadya ko yan. Yang tanong ko na yan, talagang gusto ko malaman ang isasagot niya.
Naramdaman ko namang natigilan siya sa tanong ko. Ang hirap ng tanong ko noh? Mas mahirap pa sa Midterm and Final exam yan!
Bigla ko naman napansin na unti-unti siyang napayuko. "No, wla akong kilala." mahinang lumabas sa bibig niya ang mga salitang yan.
Malungkot.
Yan ang naramdaman ko sa tono ng boses niya. Gusto ko man siyang amuhin pero hindi pwede. Kailangan ko ng lumayo. Ngayon pa bang magiging okay na sila ni Seohyun saka pa ko eeksena? Ayoko nga, di ako ganon. Ayokong sumira ng isang relasyong alam kong mahirap sirain.
I silently sighed at tumingin sa kanya, "I guess our conversation ends here. I got to go. My boyfriend is waiting for me." with that, umalis na ako at iniwan siya. Wala na rin akong narinig pa sa kanya after kong magpaalam.
Ito ang dapat at ito ang nararapat kong gawin. Alam ko rin na tama tong desisyon ko. SANA...
Ayoko ng isipin yon. hayy..
So eto ako ngayon, naglalakad papunta sa pinakamalapit na Cafe. Gaya ng sabi ni Hoya, dun kami magkita.
Eksaktong pagpasok ko, nakita ko naman agad siya. Ang ngiti naman niya ng makita ako, ngiting demonyo. Eto na, palapit na ko sa impyerno.
Di naman nakapaghintay ang demonyo, tumayo na at nilapitan ako. Laking gulat ko naman ng sinalubong niya ko ng halik sa lips. Ako? Eto, tulala lang sa mabilis na pangyayari.
Pinakawalan din naman agad niya ang labi ko sabay smirk, "Hanggang ngayon di mo pa rin alam kung pano humalik, babe?" bulong niya sa tenga ko.
Babe? EEEEwwww! Tae, gusto ko lang masuka. Pati yung bulong niya, nakakakilabot. kadiri...
Tiningnan ko lang siya ng masama. Bwiset eh!
Pero siya? Ngiting-ngiti pa rin.
"Tara." sabi niya sabay hatak saken palabas ng Cafe.
"Wait, san tayo pupunta? Akala ko ba dito tayo sa Cafe?" tarantang tanong ko.
"Oo nga. Dito tayo sa Cafe magkikita pero di tayo dito magsesession." sagot niya.
"Ano? session? What do you mean by that?"
"You'll see. Now, shut your mouth and just follow."
Ano pa ba magagawa ko? Wala so sinunod ko na lang siya.
---
"Bakit tayo nandito? Anong ginagawa natin dito?" tanong ko.
Pano ba naman, dalin daw ba ko sa Club. Oo, sa club nga. Ang daming couples sa paligid pero yung kakaiba ah.
Anong kakaiba?
Eh di ano pa? Mga WILD couples ang nandito. Kahit saan ata ako tumingin puro mga naghahalikan yung nakikita ko eh. Ano ba to? Kissing place? OH MY GOSH! I don't like this place. This is too disgusting!
At eto namang si Hoya, di lang man ako sinagot.
Tatanungin ko na sna ulit siya kaya lang naramdaman ko na naman ang nakakadiring labi niya sa labi ko. Grabe, masyado na niyang inaabuso ang labi ko. Parang anytime pwede na niyang kainin ng buo eh. Grabe siya makahalik. I don't like this feeling, the feeling of his lips with mine. Arrggghh!
Di na ako makahinga kaya naman tinulak ko siya. I glared at him, "Ano ka ba? May balak ka bang patayin ako huh?"
"No." napaka-ikling sagot niya.
"Really? Eh halos mawalan na ko ng hininga sa ginawa mo!" Inis kong sabi sa kanya. Okay lang na sumigaw ako, wala naman pakialam ang mga tao sa paligid eh. Busy kasi sila, busy sa kani-kanilang session. Yeah, kissing session for them.
"Look at them, they're like one." sabi niya habang nakaturo dun sa mga taong naghahalikan sa paligid.
"And so?"
"Gusto kong ganon sin tayo. So everytime I kiss you, kailangan mong sumabay. Shall we continue now?"
"What?"
"Remember, you can't disobey me or I'll ruin Seohyun's and Lay's relationship."
Natigilan ako dun kaya ngayon, nakatitig lang ako sa kanya. Hindi ko na alam kung ano pa ba nag dapat kong sabihin para panlaban sa kanya.
Until, I felt his lips on mine again. He bit my bottom lip, giving me a hint to move along with him. Wala na kong nagawa. I closed my eyes and kissed him back as my tears started to fall down to my both cheeks...
CHAPTER 17
Mga 11:00 ng gabi ng maisipan ni Hoya na ihatid ako pauwi. Buti naman at naisip niya yon. Akala ko dito na niya ako balak patulugin. Aish!
"Pumasok ka na. Agahan mo bukas ah." -Hoya
Aba talaga naman. Inuwi niya ko ng gabing-gabi na tapos gusto niya pa kong pumasok ng maaga bukas? Napaka talaga ng isang toh! Asar!
Tumango na lang ako. Pagod na ko noh. Papasok na sana ako nang bigla niya kong higitan at hagkan sa akong labi.
Di pa rin ba siya nagsasawa?
Tiningnan ko nga ng masama. Bwiset eh!
Ngumiti naman siya. Yung lagi niyang ngiti. Ano pa ba eh di ngiting demonyo. Tss.
"Yung labi mo, di ko matiis. Ge na, pasok ka na." sabay alis niya.
Napakagat ako ng labi. Ang sama niya. Lagi na lang niya ko hinahalikan ng walang pasabi. Di niya ba alam kung gaano ako nandidiri sa tuwing ginagawa niya yun?
Kung alam lang niya, halos isumpa ko na siya sa ginagawa niyang yun. Hayy..
Huminga muna ako ng malalim bago ako pumasok ng bahay. At gaya ng inaasahan ko, inaantay ako ni Sungyeol. Alam kong marami siyang gustong tanungin saken.
Alam ko iniisip niya kasi kambal kami kaya alm ko ring di siya kumbinsido sa mga nangyayari ngayon epecially about my relationship with Hoya.
At dahil ayoko ng patagalin toh at gusto ko na matulog, umupo na ko sa tabi niya sa may couch.
"Lahat ng gusto mong itanong, itanong mo na." sabi ko.
"Do you really love Hoya?"
Ayan agad ang tanong niya. Sa totoo lang, hindi yan ang inaasahan kong unang itatanong niya. I expected him to ask me if I'm really dating Hoya pero hindi yun yung question niya eh.
Ang hirap naman ng tanong niya. Pwede bang iba na lang? Tss.
"No." I honestly replied.
"Then why are you doing this? Nasisiraan ka na ba ha?"
Hinarap ko siya, "Baki kuya? Ayaw mo ba sa kanya para saken? Kaibigan mo naman siya di ba?"
"Oo, kaibigan ko siya pero hindi kayo pwede. Hindi siya dapat sa'yo."
Natahimik lang ako. Di ko alam kung ano ba dapat kong sabihin.
"Kapatid kita at di lang basta kapatid, kambal pa. Alam ko takbo ng isip mo. Alam kong ginagawa mo toh dahil may gusto kang protektahan. Aminin mo saken, ano ba ang dahilan mo?"
Napabuntong-hininga ako, "I can't say it right now."
"Then when?"
"Kapag hindi ko na kaya. Kapag suko na ko at kailangan ko na ng tulong."
Tinititigan lang niya ko.
"Saka na lang natin ulit toh pag-usapan. Inaantok na ko. Gusto ko na magpahinga. Goodnight." sabay tayo ko at nagsimulang maglakad.
Di pa man ako nakakapanik ng hagdan, narinig kong muli siyang nagsalita. "Make sure na sa ngayon, olay ka pa. Dahil pag pinatagal mo pa yan, lalo kang mahihirapan."
"Don't worry, I'm okay." then diretso na ko sa taas hanggang kwarto ko. Pahinga lang ng konti tapos natulog na ko.
---
Kinabukasan, balik ulit sa dating gawi. Gising ng maaga then pasok sa school. Sabay kami pumasok ni Sungyeol Medyo nakakapanibago nga eh kasi iba siya ngayon.
Paanong iba?
Basta! IBA TALAGA.
Matino siya ngayon. haha :D
Di naman kami masyadong nag-uusap sa daan. Oh di ba kakaiba siya ngayon?
Walang bangayan, walang ingay, walang asaran. Di tuloy ako sanay.
Hayy.. mas okay naman na toh eh...
Di pa man ako nakakarating sa gate, nakita ko na mukha ng demonyo sa buhay ko.
Kailan pa ba ko nakatira sa impyerno?
Bakit parang hindi ko alam?
HAYYY BUHAYYY..... >.<
I saw him smiled as I approached the front gate.
"Good morning, babe." then hinalikan niya ko sa cheek.
Babe? OMG. Pwede bang masuka? Err!
Napatingin ako kay Sungyeol sa likod ko. Nakatingin naman siya kay Hoya. Buti na lang sa cheek lang ako hinalikan ng demonyong toh. Mukhang aware siya sa presence ng kambal ko ah. MABUTI!
"Tara na?" yaya niya.
Tumango lang ako at naglakad na kami papasok sa school. Si Sungyeol naman, nakasunod lang.
Well.. okay naman saken yun. At least behave lang si Hoya pag nandyan siya.
Hinatid ako Hoya at parang ganon na rin si Sungyeol kasi nga nakasunod siya di ba? So, parang hinatid nila kong dalawa. Pinaalis ko naman sila agad pag karating na pagkarating namin sa harap ng classroom ko. Sinunod naman nila ako. Mabuting mga bata. haha
Pumasok na ko ng classroom after kong makita si Sungyeol at Hoya na umalis. Nadatnan ko naman si Lay na nasa upuan na niya. Umupo na rin ako sa seat ko pero di ko siya binati o ano pa man.
Ewan ko pero parang di ko kayang kausapin si Lay eh.
Well, ganon din naman siya.
Yun nga lang, saglit lang kasi bigla ko siyang narinig na nagsalita.
"Do you really love him?"
Nanaman? Ayan nanaman ang tanong?
Do I really love him?
Malamang hindi. Tss!
"Yes." I answered.
Ano pa bang inaasahan niyong isasagot ko? Di man yan ang tamang sagot, ayan ang dapat kong isagot sa kanya. Gusto ko man masuka sa sarili kong sagot, wala na kong magagawa. I started it so I need to finish it also. Di ko nga lang alam kung kailan ang katapusan nitong parusang toh.
"Thank you." narinig kong sabi niya.
Napatingin naman ako sa kanya. "What?"
Hinarap niya ko then he smiled, "Basta, salamat. i'm happy so thank you."
Napalunok ako don pero pinilit ko ang sarili ko na tanungin siya. "How is your relationship with Seohyun?"
Ngumiti siya ng napaka-lawak at alam kong hindi peke yun kundi totoo, "We're good. Actually, wala kaming problema."
"Oh.. that's good to hear. I'm happy for you."
"Yeah. Thank you."
hayy... nagte-thank you siya kasi kami ni Hoya at dahil don ay maayos na sila ni Seohyun.
Ang sakit. Gusto kong umiyak pero hindi pwede. Gusto ko siyang sumbatan pero hindi ko magawa. Mahal ko siya eh.
Oo, mahal ko na siya. hindi ko alam kung pano pero bigla na lang nangyari. Pigilan ko man, mukhang di ko na kaya pa.
Nararamdaman kong tutulo na ang luha ko anytime kaya naman tumayo na ko kaya lang biglang nagsalita si Lay. "Where are you going."
"CR lang." ayan lang nasabi ko sabay tumakbo na ko palabas. Dumeretso ako sa roof top at doon inalabas ang sama ng loob ko. Di na ako bumalik ng classroom dahil gusto ko munang pagaanin ang loob ko at ilabas ang luha ko.
That moment, wala akong ibang ginawa kundi ang umiyak lang ng umiyak...
CHAPTER 18
Lunch time na pero nandito pa rin ako sa roof top. Hindi ko na kasi pinasukan yung first 4 subjects ko. Mukhang di rin naman kasi ako makakapag-concentrate kung sakaling pinasukan ko pa yun.
Alam niyo naman yung conversation namin ni Lay kanina di ba?
Halos ipagtulakan na niya ko kay Hoya dahil sa pagpapasalamat niya. Feeling ko mas gusto niya pa ang nangyayari ngayon. Feeling ko nawala na sa isip niya yung concern niya about sa relationship ko kay Hoya.
Akala ko pa naman nag-aalala siya saken dahil isang playboy ang boyfriend ko. Eh mukhang nagkamali ako, maling-mali.
Nawala ba concern niya dahil okay na sila ni Seohyun ngayon? Dahil ba wala ng Hoya na pwedeng manggulo sa kanila?
Ganon-ganon na lang ba? Wala na ako sa eksena?
Ano ka ba, Hyesu? Di ba ikaw naman mismo nagdesisyon nito? Bakit parang nagsisisi ka na ngayon?
Hayy.. Tama! Ito ang desisyon ko kaya dapat kong panindigan. Masaya na si Lay. Ito naman ang gusto ko di ba?
He's already happy so I need to be happy for him too. Tutal ako naman may kagagawan nito, kailangan ko na lang tanggapin.
Tumayo na ko sa kinauupuan ko sabay naglakad papuntang canteen. Nakita ko naman agad sila Lay at Seohyun pero mukhang di nila ako napansin. Eh pano, busy sa isa't isa.
Oops! Bawal ako magreklamo. Kailangan nga maging masaya ko sa kanila di ba?
Ipinagpatuloy ko ang paglalakad hanggang sa marating ko ang table ng friends ko. Nandun din si Hoya na siya namang sinalubong ako ng halik.
Mukhang nasanay na ko dun. Eh yun naman ang hilig niya eh. May bago ba dun? Wala naman.
Imbis na mag-isip ako ng malayo, itinuon ko na lang ang sarili ko sa pagkain. Kagutom din umiyak ah.
"Hyesu, bakit pala di ka pumasok kanina?" bigla namang tanong ni Jiyeon.
Natigilan ako sa pagkain habang unti-unting inangat ang ulo ko. Nakita ko namang nakatingin silang lahat saken. Halatang naghihintay ng isasagot ko.
Iniwas ko na lang ang tingin ko sa kanila at hinarap ulit ang pagkain sabay sila sinagot. "Bigla lang sumakit ang ulo ko kaya nagpahinga muna ako sa canteen. Don't worry, okay na ko. Aattend na ko ng mga remaining classes natin."
Mukhang naniwala naman sila. Balik agad sila sa pagkain eh. Pero alam kong meron paring hindi kumbinsido dun.
Sino pa ba?
Eh di si Sungyeol at Chen.
Pero gaya ng dati, di ko na sila pinansin. Ayoko ng magpaliwanag. Saka na lang. Pagod ako eh. Pagod sa kakaiyak kanina. Buti na lang at hindi pansin ang medyo nagmumugto kong mga mata.
Mabilis namang natapos ang lunch break kaya balik na ulit kami sa mga kanya-kanyang klase namin.
So, eto ako ngayon kasama ang bestfriend ko papuntang classroom namin. Narating naman namin agad at saktong dating rin ng Prof namin.
Di nagtagal, natapos rin ang araw. Uwian na. Sa wakas, makakapagpahinga na rin.
Nagpaalam na ko kay Jiyeon na mauuna na ko. Um-oo naman siya tutal sabay naman daw sila ni Myungsoo. Ano bang bago? Lagi naman sila sabay eh.
Lumabas na ko ng classroom at oalabas na rin sana ng school ng may biglang humigit saken at hinalikan ako.
Si hoya. Sino pa ba?
"San mo naman balak pumunta?" tanong niya.
"Pagod na ko eh. Pwede bang bukas na lang tayo lumabas?"
"No, I need you now."
"Wha-" bago pa man ako makapagtanong, hinila niya na ko papasok ulit ng school at sabay diretso sa isang empty classroom.
"Yah, anong ginagawa natin dito?" I asked.
Di niya ko sinagot instead he pinned me on the wall and agressively kissed me. Pilit ko siyang itinutulak pero ayaw niyang paawat.
Anong balak niya saken?
Biglang kumabog ang dibdib ko sa kaba. Iba ang Hoyang kasama ko ngayon. Demonyo na siya dati pero mas naging demonyo siya ngayon.
Maya-maya, humiwalay na siya saken. Tiningnan ko siya ng masama, "Ano sa tingin mo ginagawa mo?"
"I already told you, I need you now. As in right now."
"What?! Ano bang pinagsasabi mo?"
"Don't be stupid, my toy. I need you, I need your body NOW!" with that, he kissed my neck and grabbed one of my breast and squeeze it.
Nanlaki mata ko. Ngayon, alam ko na ang gusto niyang mangyari. Hindi ko inaasahang aabot sa ganito ang hihilingin niya. Hindi toh pwede, hindi ko pwede ibigay sa kanya. HINDI PWEDE!
"Hoya, stop!" I said silently.
Hindi siya tumigil at ipangpatuloy niya lang ang nasimulan niya.
"Stop this, Hoya. Please stop.." tumulo na ang mga luha ko habang pinakikiusapan ko siya pero mukhang naging bingi na siya. Mukhang wala siyang naririnig dahil tuloy pa rin siya sa ginagawa niya.
Maya-maya may narinig akong tunog ng nawarat na damit. At ayon, na-realize ko na yung uniform ko na pala yon.
"Hoya, maawa ka saken." sabi ko habang umiiyak pa rin.
"Stop talking, will you? Just enjoy what we're doing. You'll love this, promise."
"Don't do this, please.." pinilit ko siyang itulak pero nanghihina na ko ngayon. Isa pa, mas malakas siya saken so wala talaga akong laban.
Iniyak ko na lang ng iniyak toh. Wala naman na kong magagawa eh. Pero ayokong sumuko kaya naman inipon ko muna yung lakas ko bago sumigaw. "SOMEONE HELP ME!!!! TULUNGAN NIYO KO!!!! TULO-" napatigil ako dahil bigla akong hinalikan ni Hoya para matigil ako sa pagsigaw.
Kahit anong pilit ko siyang itulak, walang nangyayari. Sobra na ang panghihina ko sa ginagawa niya.
Di nagtagal, may biglang nagbukas ng pinto at agad-agad inilayo si Hoya saken at sinuntok ito.
Kilala ko yung taong yon, kilalang-kilala...
CHAPTER 19
*BUUGGS!*
Si Sungyeol, sinuntok ulit si Hoya. Yeah, tama. Si Sungyeol nga ang dumating.
"Gago ka ba?! Ano sa tingin mo ginagawa mo HA?!" galit na sigaw ni Sungyeol kay Hoya.
Ako naman, eto nag-iiyak lang. Hanggang ngayon, takot pa rin ang nararamdaman ko. Alam kong safe na ko dahil nandito na ang kambal ko pero di ko maiwasan na kabahan.
"Sungyeol? Anong ginagawa mo dito?" tanong ni Hoya na magkasalubong ang mga kilay.
"Nagawa mo pa talagang itanong yan ah? Ang kapal ng mukha mo!"
*BUUGGS!*
Again, sinuntok niya ulit si Hoya na naging dahilan ng paghagis ni Hoya sa sahig. Tumayo naman agad siya para gantihan ng suntok ang kambal ko pero hindi niya nagawa. May pumigil kasi sa kanya, si Myungsoo.
Sumunod na rin pala ang iba pang kaibigan ni Sungyeol pati na rin sila Chen nandun din. Si Jiyeon naman ang lumapit saken at tinakpan ako. Malaki na kasi yung warat ng uniform ko.
Niyakap ko naman siya at nag-iiiyak lang. Wala na talaga kong ibang magawa kundi and umiyak lang. Marahan namang hinimas ni Jiyeon ang likod ko para mas gumaan ang pakiramdam ko.
Habang nakayakap ako kay Jiyeon, naaaninag ko pa rin ang mga nangyayari sa paligid. Nakita kong may sumuntok muli kay Hoya but this time, hindi na si Sungyeol kundi si Chen.
"Sabi ko na nga ba eh! Wala kang magandang magagawa! Buti na lang at tanga ka, dito mo siya pinagtangkaan sa school at nahuli ka namin. Gago ka!" at sinuntok pa ni Chen ng isa pagkasabi niya nun.
Susuntukin na rin sana ulit ni Sungyeol pero humarang na sa gitna nila si Sunggyu at nagsalita. "Bilang leader ng grupo, gusto kong itigil na natin toh." tumingin siya kay Hoya, "Kung gusto mo pang mabuhay, umalis ka na ngayon bago ka pa mapatay nitong si Sungyeol. At siguraduhin mong hindi ka na magpapakita samin. Simula ngayon, pinuputol ko na ang kaugnayan mo samin. Simula ngayon, burado ka na sa grupo. Kung hindi mo gagawin yun, bago ako na makapatay sa'yo. ALIS NA!" sigaw ni Sunggyu.
Mukhang nagulat naman si Hoya dun. Kahit ako nagulat dun pati na rin ang iba. Ngayon ko pa lang kasi ata nakitang nagalit tong si Sunggyu. Kakaiba pala. Parang kaya talagang pumatay.
Kumaripas naman ng takbo palabas si Hoya. Halata sa mukha niya ang takot nang madaan siya samin ni Jiyeon.
Lumapit naman si Sungyeol saken. Hinubad niya yung coat na suot niya at isinuot saken. Tapos kinarga niya ko sa likod niya. "Iuuwi ko na toh. Umuwi na rin kayo. Saka na natin pag-usapan toh." then lumakad na palabas si Sungyeol habang karga-karga ako sa likod niya.
Tahimik lang kami ni Sungyeol habang pauwi. Nakangudngod lang ang mukha ko sa balikat niya habang umiiyak pa rin ng tahimik. Si Sungyeol naman, hinahayaan lang akong umiyak.
Di nagtagal, narating din namin ang bahay. Pumasok naman agad kami at dadalhin na sana ako ni Sungyeol sa kwarto ko pero pinigilan ko siya.
"Pwede dito muna tayo sa sala?"
"Kailan mo pang magpalit ng damit."
"Mamaya na lang." sagot ko.
"Are you sure?" tanong niya.
Tumango lang ako. Sinunod naman niya ko. Maingat niya kong inupo sa couch sa may sala sabay tumabi sa tabi ko.
Tumahimik na ulit. Walang nagtangkang magsalita. Walang gustong mag-open ng topic.
Maya-maya lang, narinig ko na siyang nagsalita. "Bakit di mo sinabi saken? Bakit di ka humingi ng tulong? Di ba sabi ko sa'yo pag hindi mo na kaya, sabihij mo lang saken at ako na ang bahala? Pero bakit wala akong narinig na kahit anong reklamo sa'yo?"
Di ko siya nilingon pero sinagot ko naman siya. "Gustuhin ko man, hindi pwede. Sa kalagayan ko, hindi mo ko maiintindihan."
"Paano ko nga maiintindihan kung wala kang sinasabi saken? Kahit lang man yung about kay Lay, sana sinabi mo saken."
Napalingon naman ako sa sinabi niyang yun, "Pa-paano mo nalaman?"
"Kanino pa? Bukod sa'yo, sino pa sa tingin mo ang may alam?"
Napahinto ako dun then I asked, "Si Chen?"
"Sa kanya nagawa mong sabihin pero saken hindi. Ako pang kambal mo ang di mo napagsabihan. Kung alam ko lang, sana sa umpisa pa lang nailayo na kita kay Hoya."
"I'm sorry.." yung lang ang kaya kong sabihin sa kanya sa mga oras na toh.
Nilingon niya ako at tinitigan ng panandalian, "Don't be sorry. Nagawa mo lang yun dahil nagmahal ka. Halika nga dito." tapos niyakap niya ko.
"Namiss ko ang kambal ko." rinig kong sabi niya. Napangiti ako dun kasi kahit ako namiss ko rin siya. Ginantihan ko din siya ng yakap.
"Gusto mo tabi tayo matulog ngayon?" rinig kong tanong niya. Tumango lang ako, "Dun tayo sa kwarto mo."
"Dito na lang tayo sa sala."
Napaangat naman ang ulo ko dun, "Dito?"
Tumango siya at ngumiti, "Oo, dito sa sala tulad nung mga bata pa tayo."
Nangiti ulit ako ng maalala ko yung mga moments namin ni Sunyeol nung mga bata pa kami. Mahilig kasi kaming mag-camping dito sa sala together.
Camping?
Oo, yan ang tawag namin dun dati. Eh bata pa naman kami nun eh. Kaka-miss din yun ah. Namiss ko yung pagiging closeness namin ni Sungyeol before.
At ngayon, muli naming ibabalik.
Nung gabi ngang yun, natulog kami ni Sungyeol sa sala na magkatabi. Mga madaling araw na rin kami ng makatulog. Nag-reminisce pa kasi kami ng mga childhood days namin eh. Kahit papano, gumaan ang pakiramdam ko nung gabing yun. Yung takot at lungkot ko, napalitan ng konting saya. Kahit konti lang yun, at least nabawasan ang takot at lungkot na nararamdaman ko.
Salamat sa kambal ko. Salamat sa kuya ko. Salamat kay Sungyeol...
CHAPTER 20
Kinabukasan, may papasok na naman pero di na muna ako pinapasok ni Sungyeol. Magpahinga na lang daw ako dito sa bahay.
Di ko naman siya sinuway. Sa totoo lang kasi, ayaw ko muna humarap sa kahit na sino. Ayoko pa muna. Nahihiya ako sa mga maling desisyon ko. Nahihiya ako sa kanila.
Pagkaalis ni Sungyeol, inayos ko na ang sarili ko at nagkulong na lang sa kwarto ko. Sabi nga ni Sungyeol, magpahinga daw di ba? Eh di yun na lang ang gagawin ko. Wala naman akong ibang gaawin eh.
Mga tanghali nun, may biglang kumatok sa pinto. Pagbukas ko, nakita ko naman sila Jiyeon, friends ni Sungyeol pati sila Kris. Si Sungyeol din nandun. Si Chen lang ang kulang.
Tinanong ko sila pero wala ni isang sumagot. Parang di ata narinig or nagbingi-bingihan lang?
"Bakit pala ang aga niyo? May klase pa kayo di ba?" tanong ko.
"Nandito kami para ipagluto ka." -Woohyun
"Lahat kayo?!" gulat kong tanong.
"Bakit hindi?" -Sungyeol
Napatingin naman ako sa kanya pero nginitian niya lang ako. Napangiti na rin tuloy ako at pumayag. Pinaupo nila ko sa sala at dun na lang daw ako maghintay. Ginawa ko naman.
Maya-maya lang, natapos na sila. At grabe, ang dami nilang niluto. Akala mo may fiesta sa sobrang dami eh.
Pero in fairness, lahat masarap. Grabe ko siyang na-enjoy. Ang dami ko ngang nakain eh. Nakalimutan ko na na may muntik na mangyari saken na masama sa sobrang sarap ng mga pagkain. Pampalimot ata ng problema ang recipe na yun eh. Hehe.
Nakapagdesisyon silang wag ng pumasok sa mga klase nila sa hapon. Naisipan din nilang mag-sleep over sa bahay. Tutal naman daw walang pasok kinabukasan. Si Jiyeon naman pinayagan agad ng parents niya kasi samin naman daw kaya safe siya. Wala rin namang problema sa boys, kaya naman dae nila mga sarili nila eh.
Mga 6pm siguro na yun nang may biglang kumatok sa pinto. Ako na nagpresinta na magbukas ng pinto.
Pagkabukas ko, mukha ni Chen ang sumalubong saken. Napangiti naman ako. "Akala ko, nakalimot ka na eh." biro ko.
Pero seryoso lang ang mukha niya. Nawala tuloy ngiti ko at kumunot ang noo, "hoy, masyado kang serious ah."
Di siya nagsalita instead gumilid siya ng konti at laking gulat ko nang makita ko si Lay na lumitaw sa likod niya. Napatingin ako kay Chen na may pagtataka.
"He wanted to talk to you." -Chen
"Chen..." nasambit ko.
"Sige na, makipag-usap ka na. Pasok lang ako sa loob. Sasama ko sa sleep-over noh." then nilagpasan niya na ko at tuluyan ng pumasok sa loob. Kami na lang ni Lay ang naiwan.
"Can we talk somewhere?" tanong ni Lay.
I just nodded my head, "Tara." tapos nauna na ko maglakad palabas. Sumunod naman siya.
Huminto kami sa park at umupo sa isang bench doon. Sa una, katahimikan lang ang namagitan saming dalawa hanggang sa simulan niya ang converstion.
"You friend Chen told me everything."
Yun pa lang ang sinasabi niya, nanlaki na mata ko sa gulat. Napatingin ako sa kanya, "Anong sabi niya?"
"He told me that you became Hoya's girlfriend because of me."
Napapikit naman ako dun ng bahagya pero pinilit ko pa rin ang sarili ko na tanungin siya. "Yun lang ba?"
"He also told me that you have feelings for me."
Sinabi ni Chen? Pero bakit?
"Don't be mad at your friend. He only told me about this because he's worried about you. Alam ko na rin na alam mo yung about kay Seohyun and Hoya. Naging boyfriend mo si Hoya kasi gusto mong maging maayos kami ni Seohyun. I'm sorry, Hyesu."
"You don't have to be sorry. Wala ka namang ginawa saken eh."
"No, I'm really sorry Hyesu. Dahil sa sobrang pagmamahal mo saken, nagawa mong pasukin ang ganong bagay para lang di ako malungkot. Salamat din pero Hyesu," huminto siya at hinarap ako, "..hindi ko kaya suklian ang pagmamahal mo."
Pagkasabi niya nun, parang gusto ko na naman umiyak pero pinilit kong ngumiti sa kanya. Hayy.. Hanggang ngayon, ang peke pa rin ng ngiti o tawa ko.
Sabay ko naman iniwas ang tingin ko sa kanya at umiling, "Hindi ko naman sinabing suklian mo. Okay na ko na masaya ka. Kung masaya ka, pipilitin ko na kang maging masaya rin. Alam kong mahihirapan ako pero kakayanin ko toh. Saka isa pa, mawawala rin naman tong nararamdaman ko per sa ngayon, hayaan mo muna ako. Kailangan ko lang ng time para mawala toh ng tuluyan. Di ko rin naman ginawa yun dahil gusto kong mapansin mo ko. Ginawa ko kang yun dahil masaya ko pag masaya ka. Kaya wag ka na mag-sorry saken dahil di mo kayang suklian ang pagmamahal ko sa'yo. Ayoko na makarinig pa ng sorry sa'yo, okay?"
Tumitig lang siya saken at hindi nagsalita. Kita ko ang pang-aawa niya saken.
Ngumiti kang ako, "Ano ka ba! Wag ka nga tumingin ng ganyan saken. Friends pa rin naman tayo di ba?"
Di ulit siya sumagot.
"Di ba?" inulit ko.
This time, nag-react na siya. Ngumiti at tumango. "I'll always be your friend, Hyesu."
Ngumiti rin ako, "Eh di mabuti. So pano, una na ko. Uwi ka na rin. Maggagabi na rin oh.."
Tumayo na ko, "Kita na lang tayong school. Bye, friend!" kumaway ako na may ngiti sa labi ko bago ako tumalikod.
Pero sa pagtalikod ko, nawala naman agad ang ngiti sa labi ko. Hanggang ngayon, ang peke ko pa rin.
Seriously, not all laughs are real. Always remember that!
HTML Comment Box is loading comments...