EPILOGUE
Mahigit tatlong buwan na rin ang nakakalipas. Di na rin lumitaw si Hoya. Natakot na siguro. Aba dapat lang!
Nakalimutan na rin namin kahit papano yung mga nagyari nitong nakaraang tatlong buwan. Tapos every weekend, nagssleep-over ang barkada sa bahay. Maluwag naman daw kasi kaya ayon, naging usual thing na namin yun. Super saya nga eh! Dami kong tawa sa kanila. Ang kukulet eh. Haha
Kami ni Lay?
Ayon, ayos naman kami. Magkaibigan kami. Oo, friends lang. Tanggap ko na na wala kaming pag-asa magkasama as a couple. Nawala na rin ang nararamdaman ko sa kanya. Bukod sa friend na turingan, wala na. As in wala na talaga.
Sila ni Seohyun?
Going strong pa rin. Lalo ngang naging sweet sa isa't isa eh. Kung dati naiinggit ako sa tuwing nakikita ko silang magkasama, nagyon naman kinikilig na ako. Grabe kasi sila maglambingan eh, akala mo nanonood ka lang ng mga palabas sa TV. Lalo pa, ang gwapo at ang ganda nitong couple na toh.
Si Sungyeol at girlfriend niya?
Pinakilala niya na saken last month. Akala ko nga wala ng balak eh. Well.. maganda naman siya. Si Soyeon. Taga ibang school siya kaya madalang lang namin siya makasama. Ayos naman siya kasama. Magkasundo nga kami eh.
Si Sungyeol towards saken?
Ayon! Napakalaki ng pagbabago. Ang bait na niyang kuya. Oo, kuya na nga ang tawag ko sa kanya. Karapat-dapat naman kasi yun sa kanya. May bangayan pa rin naman pero di na tulad ng dati na maya't maya. Tuwing umaa na lang bago pumasoksa school. Haha. Basta, okay na kami ngayon. Madalas na rin kasi kami mag-bonding.
Si Chen?
Ganon pa rin, mahilig manita. Lahat naman kasi sinisita niya. Pero malaki ang pasasalamat ko diyan. Kundi dahil sa kanya, di ko makakausap si Lay pati hindi ko rin mailalabas ang nararamdaman ko kay Lay before. Salamat sa kanya. Sobrang salamat.
Jiyeon and Myungsoo?
Walang pagbabago. Sila pa rin. May kailangan bang magbago sa kanila? Wala naman di ba?
Ang iba pang kabarkada?
As always, makulet pa rin sila lalo na pag nagsama-sama. Masaya ako kasi nagkasundo ang mga friends ko pati ang friends ng kambal ko. Astig kaya!
Ako?
Eto, naghihintay ng taong makakapagpatawa saken ng totoo. Ayon lang, ayos na!
So, eto ako ngayon, naglalakad na papasok. Di ko kasabay si kuya. Dadaanan pa daw niya si Soyeon eh. Monthsary kasi nila kaya kailangan niyang ihatid. Usual yun pag monthsary nila. Ayos lang naman saken yun. Madalas kasi may sumpong yun pag umaga eh. Di ba nga madalas kami magbangayan pag umaga? Umaga lang naman..
So eto na, malapit ko na marating ang school nang...
*BEEP*BEEP*
Tunog ng busina ng sasakyan. Nakita kong may paparating na sasakyan sa kanan ko.
OHMYGOSH! Ito na ba ang wakas ng buhay ko?
Napapikit na lang ako, naghihintay na may sumakit saken. Pero wala, walang-wala.
Unti-unti ko dinilat ang mga mata ko at bumungad naman ang napakagwapong nilalang sa harapan ko.
Ano na naman toh? Replay? Bakit ganito ulit? Bakit may nanaman sumagip na gwapo saken? Masasaktan na naman ba ulit ako?
Wala na akong ibang inisip. Kahit ano oa man mangyari kailangan ko na siya tanungin ngayon pa lang. Kailangan kong makasiguro.
Tinitigan ko siya sa mga mata niya bago ko siya tanungin.
"May girlfriend ka na ba?"
-END-
HTML Comment Box is loading comments...